547,100 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine dumating sa bansa
Dumating sa bansa ang mahigit kalahating milyong doses pa ng mga bakuna kontra COVID-19.
Linggo (Nov. 28) ng hapon nang lumapag sa NAIA Terminal 3 ang eroplano lulan ang 547,100 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine.
Ang mga ito ay donasyon ng pamahalaan ng Poland sa Pilipinas.
Nagpasalamat naman ang National Task Force Against COVID-19 sa suporta ng Poland sa pandemic response ng Pilipinas. (DDC)