150,000 na indibidwal target mabakunahan sa QC sa National Vaccination Day
Target ng Quezon City local government na mabakunahan ang nasa 150,000 na katao sa tatlong araw na National Vaccination Day.
Prayoridad sa tatlong araw na pagbabakuna ang mga hindi pa bakunadong edad 12 hanggang, mga edad 18 pataas, at ang pagbibigay ng booster doses sa mga nasa A1, A2 at A3 Priority List.
Kabilang sa gagamitin sa pagbabakuna sa QC ang AstraZeneca vaccines na binili ng LGU.
Gagamitin ang sumusunod na malls bilang vaccination site:
– SM North Edsa Skydome
– Eastwood City
– Robinsons Magnolia
– Waltermart North Edsa
– SM Fairview
– SM Novaliches
– Fairview Terraces
– Fisher Mall
– Crossroad Parkway Mall
May pagbabakuna din sa SMART Araneta Coliseum at sa Elements sa Centris.
Bukas ang bakunahan kahit sa mga hindi residente ng lungsod. (DDC)