75 vaccination sites bubuksan sa Maynila para sa National Vaccination Day

75 vaccination sites bubuksan sa Maynila para sa National Vaccination Day

Mayroong 75 vaccination sites sa iba’t ibang panig ng lungsod ng Maynila ang bubuksan para sa National Vaccination Day.

Sa tatlong magkakasunod na araw mula Nov. 29 hanggang Dec. 1 magbibigay ng first, second, at booster shots sa lahat ng priority groups, kabilang ang general population of minors.

Paalala ng pamahalaang lungsod, magparehistro sa manilacovid19vaccine.ph at ipakita ang QR Code pagdating sa vaccination site.

Kabilang sa bubuksan ang 44 na District Health Centers sa lungsod, 18 Community School Sites, 6 na District Hospitals, 4 na Mall Sites, gayundin ang Manila Cathedral School, Holy Child Catholic School, at La Consolacion College Manila.

Bukas ang bakunahan sa lahat pati na sa mga hindi residente ng lungsod. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *