Mahigit 34.9 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19

Mahigit 34.9 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19

Umabot na sa mahigit 34.9 million ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.

Batay sa National COVID-19 Vaccination Dashboard na iprinisinta ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Nograles sa kaniyang virtual press briefing, umabot na sa 79,602,980 ang total vaccine administered sa bansa.

Sa nasabing bilang, 44,502,112 ang nabakunahan na ng first dose at 34,963,067 sa kanila ang fully-vaccinated na.

Kabilang sa mga itinuturing na fully-vaccinated ang mga tumanggap ng single dose na bakuna ng Janssen.

Umabot sa 1,074,623 ang average daily jabs sa bansa noong araw ng Huwebes.

Sa National Capital Region, 19,806,798 na ang total doses administered.

Sa nasabing bilang, 10,430,014 ang tumanggap ng first dose at 9,298,606 ang fully-vaccinated na. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *