Mahigit 6,000 tablets ng Baricinitib na gamot sa moderate to severe cases ng COVID-19 dumating na sa Maynila
Available na sa aanim na district hospitals sa lungsod ng Maynila ang gamot sa moderate to severe cases ng COVID-19 .
Ayon sa Manila Public Information Office, 6,600 tablets ng Baricitinib ang dumating sa lungsod.
Maliban sa anim na district hospitals ay available na din ang gamot sa Manila COVID-19 Field Hospital.
Ang nasabing gamot ay para sa mga moderate hanggang severe COVID-19 patients.
Personal na tinanggap nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Honey Lacuna ang mga gamot. (DDC)