UK nagpatupad ng travel ban sa anim na bansa sa Africa

UK nagpatupad ng travel ban sa anim na bansa sa Africa

Nagpatupad ng travel ban ang United Kingdom sa anim na mga bansa mula Africa matapos may matuklasang panibagong variant ng COVID-19.

Ayon sa health secretary ng UK, mas mabilis makahawa kaysa Delta variant ang bagong natuklasang variant ng COVID-19 sa South Africa.

Ito ang dahilan ng muling pagtaas ng kaso ng sakit sa South Africa.

Epektibo araw ng Biyernes (Nov. 26) ay suspendido na ang lahat ng biyahe mga eroplano na galing South Africa, Namibia, Lesotho, Eswatini, Zimbabwe at Botswana.

Lahat ng pasahero galing sa nasabing mga bansa ay sasailalim sa quarantine. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *