DOTr hiniling na maisama sa Google Map ang Bike Lanes

DOTr hiniling na maisama sa Google Map ang Bike Lanes

Hiniling ng Department of Transportation (DOTr) sa Google na isama ang mga ruta ng bike lane sa bansa sa dashboard ng real-time navigation app na Google Maps.

Ito ay para matulungan ang mga biker sa kanilang araw-araw na pagbiyahe.

Ayon kay Transport Secretary Art Tugade nakikipag-ugnayan na ang DOTr sa Google hinggil dito.

Ani Tugade, marami na ngayon ang gumagamit ng bisikleta sa kanilang pagbiyahe.

Kumpiyansa si Tugade na aaprubahan ng Google ang kahilingan ng DOTr.

Nakumpleto na ng DOTr ang 500-kilometer bike lane network nito sa metropolitan cities sa bansa.

Mayroong bike lane network sa Metro Manila (313.12 kilometers), Metro Cebu (129.47 kilometers), at Metro Davao (54.74 kilometers).  (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *