Mahigit 100,000 fully-vaccinated individuals, nabigyan na ng booster shots

Mahigit 100,000 fully-vaccinated individuals, nabigyan na ng booster shots

Umabot na sa mahigit 100,000 na fully-vaccinated individuals ang nabigyan na ng booster shots ng COVID-19 vaccine.

Kabilang dito ang mga healthcare workers, senior citizens at mga immunocompromised individuals.

Ayon kay Health Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire, 102,102 doses na ng COVID-19 vaccine ang naiturok para sa booster shots.

Mayroong mahigit 69,000 na healthcare workers ang nabigyan na ng booster shots, mahigit 21,000 na senior citizens at mahigit 10,000 na mayroong comorbidities.

Magugunitang simula noong Nov. 17 ay inumpisahan na ng pamahalaan ang pagbibigay ng booster doses ng COVID-19 vaccine sa mga nasa A1, A2 at A3 Priority Group. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *