Apat na paaralan sa Pasig City inihahanda na para sa pilot implementation ng face-to-face classes

Apat na paaralan sa Pasig City inihahanda na para sa pilot implementation ng face-to-face classes

Nagsagawa ng simulation o dry run sa isang paaralan sa Pasig City bilang paghahanda sa pilot implementatio ng face-to-face classes.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto apat na paaralan sa lungsod ang sumasailalim sa validation para sa posibilidad na magkaroon na ng face-to-face classes.

Kabilang dito ang Pasig Elementary School, Nagpayong Elementary School, F. Legaspi at Pasig Ugong National High School.

Sa Pasig Elementary School nagsagawa ng dry run kung saan ilang estudyante ang pinapasok sa paaralan.

Ibinahagi ng alkalde ang larawan habang nasa loob ng silid aralan ang mga bata.

Ayon kay Sotto, tiniyak na mayroong proper ventilation at air flow sa silid aralan gaya ng sabi ng mga eksperto.

Nagpasalamat naman si Sotto sa mga magulang na nagbigay ng consent sa mga bata na lumahok sa dry run. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *