BASAHIN: Babala ng NTC at DTI hinggil sa dumaraming spam text messages
Nagpalabas ng babala ang National Telecommunications Commission (NTC), Department of Trade and Industry (DTI) at ang Smart Communications hinggil sa dumaraming bilang ng spam text messages.
Paalala ng NTC, DTI at Smart sa publiko maging maingat sa mga scammer.
Pinayuhan ang publiko na gawin ang mga sumusunod na hakbang kapag nakatanggap ng spam SMS:
– Huwag sumagot ng mga tanong o survey mula sa mga di-kilalang sender
– Huwag magbibigay ng personal na impormasyon
– Gamitin ang blocking feature ng inyong text messaging app
– I-report ang insidente sa https://ntc.gov.ph/complaint