Pamahalaan hinikayat ni Senator Go na patuloy na protektahan ang interest ng bansa kasunod ng insidente sa Ayungin Shoal

Pamahalaan hinikayat ni Senator Go na patuloy na protektahan ang interest ng bansa kasunod ng insidente sa Ayungin Shoal

Hinikayat ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang pamahalaan na igiit ang interest ng bansa kasunod ng insidente ng pangha-harass ng barko ng China sa dalawang supply boats ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.

Sinabi ni Go na integral part ng Pilipinas ang Ayungin Shoal kaya dapat lang na ipaglaban ng pamahalaan ang karapatan sa bawat parte ng bansa at sa mapayapang paraan.

“I urge our government to continue asserting our national interest in light of the recent incident in Ayungin Shoal, an integral part of the Philippines,” ayon kay Go.

Kamailan inilahad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkabahala sa nasabing insidente sa kaniyang pahayag sa ASEAN-China Special Summit.

Sa video conference, nanawagan ang pangulo sa lahat ng member countries na magpatupad ng self-restraint at iwasan ang mga aksyon na maaring magdulot ng tensyon.

“We are all responsible members of the international community. And I urge all stakeholders to exercise restraint and abide by their commitments and responsibilities under international law,” dagdag ng senador. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *