700,000 doses ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca dumating sa bansa

700,000 doses ng COVID-19 vaccine ng AstraZeneca dumating sa bansa

Dumating sa bansa ang karagdagang suplay ng mga bakuna kontra COVID-19 na bahagi ng donasyon ng pamahalaan ng Australia.

Aabot sa 700,000 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine ang dumating sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, Miyerkules (Nov. 24) ng umaga.

Sinalubong ni Health Sec. Francisco Duque III at Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. ang mga bagong dating na bakuna.

Nagpasalamat si Duque sa pamahalaan ng Australia sa patuloy na pagsuporta sa COVID-19 response ng Pilipinas. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *