Pagsasailalim sa driver’s education program bago makapag-renew ng lisensya libre ayon sa LTO

Pagsasailalim sa driver’s education program bago makapag-renew ng lisensya libre ayon sa LTO

Walang dagdag gastos ang mga motorista para sa pagsasailalim sa driver’s education program (CDE) upang makapag-renew ng lisensya.

Ayon sa Land Transportation Office-Philippines (LTO) ang pagpapatupad ng batas nagre-require sa mga driver na sumailalim sa comprehensive driver’s education program (CDE) ay hindi dapat magresulta ng dagdag gastos o inconvenience sa mga motorista.

Sinabi ni LTO Chief Assistant Secretary Edgar C. Galvante na ang CDE ay naglalaman ng modules na aaralin ng mga driver bago kumuha ng evaluation test na kailangang maipasa upang makakuha ng CDE certificate.

Igniit ni Galvante na libre ang CDE learning materials at evaluation sa Land Transportation Management System (LTMS) portal sa portal.lto.gov.ph

Umapela si Galvante sa mga motorisra na huwag magpaloko sa mga nagbebenta ng CDE Certificate online.

Ang nasabing bagong polisiya ay ipinatupad ng LTO simula noong October 28 bilang bahagi ng RA 10930 para sa pag-iisyu ng driver’s license na mayroong 10-year validity.

Ayon kay Galvante ang mga experienced drivers na may sapat na kaalaman sa pagmamaneho ay madaling maipapasa ang CDE evaluation test. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *