Resupply boats ng Philippine Navy ligtas na nakarating sa Ayungin Shoal – Lorenzana
Nakapaghatid na ng suplay ang dalawang resupply boats ng Philippine Navy sa Ayungin Shoal.
Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenana, ligtas na nakarating sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal ang resupply boats Martes (Nov.23) ng umaga.
Kasabay nito kinondena ni Lorenzana ang nangyaring pagharang at pagbomba ng tubig ng Chinese vessels sa dalawang PH resupply boats kamakailan.
Ani Lorenzana, nakausap na niya ang Ambassador ng China sa Pilipinas at sinabihan ito na hindi pwedeng harangin ang anumang aktibidad ng Pilipinas sa Ayungin Shoal.
Sinabi ni Lorenzana na walang karapatan ang China na harangin, awatin o i-harass ang mga bangka o barko ng Pilipinas sa loob ng Exclusive Economic Zone ng bansa. (DDC)