Mahigit 33.8 million na katao fully-vaccinated na kontra COVID-19
Umabot na sa mahigit 33.8 million ang fully-vaccinated na laban sa COVID-19.
Batay sa National COVID-19 Vaccination Dashboard na iprinisinta ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Nograles sa kaniyang virtual press briefing, umabot na sa 76,522,732 ang total vaccine administered sa bansa.
Sa nasabing bilang, 42,632,392 ang nabakunahan na ng first dose at 38,847,741 sa kanila ang fully-vaccinated na.
Kabilang sa mga itinuturing na fully-vaccinated ang mga tumanggap ng single dose na bakuna ng Janssen.
Umabot sa 921,924 ang average daily jabs sa bansa noong araw ng Lunes.
Sa National Capital Region, 19,542,964 na ang total doses administered.
Sa nasabing bilang, 10,332,227 ang tumanggap ng first dose at 9,193,744 ang fully-vaccinated na. (DDC)