Telcos, mga bangko at e-commerce platforms gaya ng Lazada at Shopee ipinatawag ng NPC dahil sa mga insidente ng SMS scam

Telcos, mga bangko at e-commerce platforms gaya ng Lazada at Shopee ipinatawag ng NPC dahil sa mga insidente ng SMS scam

Ipinatawag ng National Privacy Commission (NPC) ang mga data protection officer ng mga telco, e-commerce platforms at mga bangko hinggil sa tumataas na insidente ng SMS scam.

Partikular na pinadalhan ng summon ng NPC ang mga data protection officers ng Globe, Smart, Dito, Lazada, Shopee, at iba’t ibang mga bangko.

Ayon kay Privacy Commissioner Raymund Liboro, nais nilang idetalye ng nasabing mga kumpanya ang kanilang ipinatutupad na spam prevention measures .

Ani Liboro batay sa inisyal na imbestigasyon ng NPC ang may sindikatong nasa likod ng mga smishing activities.

Sinabi ni Liboro na walang kinalaman sa insidente ang hindi otorisadong pag-access sa mga contact tracing forms gaya ng hinala ng ilan.

Ayon sa NPC, target nilang makabuo ng solusyon para malabanan ang smishing at iba pang uri ng scams.

Pinayuhan naman ni Liboro ang publiko na laging suriing mabuti ang mga nakukuha nilang text messages at huwag agad magpapaniwala sa mga pangako. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *