Gamot sa moderate cases ng COVID-19 available na sa Bayanihan E-Konsulta Program ng OVP
Available na sa Bayanihan E-Konsulta Program ng Office of the Vice President ang Molnupiravir na maaring gamiting gamot sa mild o moderate cases ng COVID-19.
Ayon kay Vice President Leni Robredo, lumagda ang OVP sa kasunduan sa QualiMed Health Network para sa Molnupiravir na isang oral pill upang gamutin ang hindi grabeng kaso ng COVID-19.
Batay sa kasunduan, ang OVP ay magpapalabas ng guarantee letter sa ilalim ng special medical assistance program nito sa kwalipikadong pasyente na ire-refer ng kanilang volunteer doctors sa Bayanihan E-Konsulta.
Ang mga pasilidad naman ng QualiMed ang magsasagawa ng assessment at magpe-prescribe ng gamot sa pasyente.
Magugunitang dumating sa bansa ang unang shipment ng Molnupiravir noong November 17. (DDC)