PNP inumpisahan na ang pagbibigay ng booster shots sa kanilang medical frontliners
Nagsimula na ang Philippine National Police (PNP) sa pagbibigay ng booster doses ng COVID-19 vaccine sa mga uniformed at non-uniformed personnel na nasa ilalim ng priority groups A1, A2 at A3.
Unang makatatanggap ng booster shots ang mga medical at healthcare frontliners ng PNP na nagtatrabaho sa ospital.
Ayon sa datos ng PNP, mayroong 1,390 personnel ang PNP Health Service.
Sunod namang bibigyan ng booster shot ang 171 na tauhan ng PNP Medical Reserve Force na naninilbihan sa police-related quarantine facilities.
Habang tatanggap din ng booster doses ang mga senior citizens na Non-Uniformed Personnel at PNP personnel na comorbidities at nasa immunocompromised state.
Ayon kay PNP Chief PNP Gen. Dionardo Carlos, target na makumpleto ang pagbibigay ng booster doses sa target groups sa lalong madaling panahon.
Ang PNP medical at healthcare frontliners ay ide-deploy din sa 3-day National Vaccination Days sa bansa na gagawin mula November 29 hanggang December 1. (DDC)