Coast Guard naghatid ng suplay sa Pag-Asa Island

Coast Guard naghatid ng suplay sa Pag-Asa Island

Nakapag-supply na ng mga fishing gears at iba pang basic supplies ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Pag-asa Island, Kalayaan, Palawan.

Ayon kay PCG Spokesperson, CG Commodore Armando Balilo dinala ng BRP Capones (MRRV-4404) ang mga suplay sa Local Government Unit (LGU) mg Kalayaan Island Group (KIG).

Ito ay bilang suporta sa mga lokal na magingisda doon.

Naghatid din ang barko ng Coast Guard ng mga suplay para sa mga tauhan ng PCG at Philippine National Police (PNP) na nakatalaga sa lugar.

Habang patungo sa Pag-asa Island galing sa bahagi ng Puerto Princesa, Palawan sinabi ni BRP Capones Commanding Officer, CG Captain Glen Daraug na may namataan silang barko ng China Coast Guard (CCG).

Wala naman silang natanggap na radio challenge mula sa foreign vessel. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *