OVP nabiktima ng fake orders na aabot sa P100,000 ang halaga
Binaha ang tanggapan ni Vice President Leni Robredo ng mga order na nagkakahalaga ng nasa P100,000 na grorery items na hindi naman nito inorder.
Sa tweet, sinabi ni Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ng bise presidente, na ginawa ang multiple orders kung saan tinukoy si Robredo bilang “client” sa pamamagitan ng online app at pinadala ito sa kanilang headquarters sa New Manila, Quezon City, nang cash-on-delivery.
Naghihinala si Gutierrez na pakana ito ng mga taong natatakot sa lumalaking tsansa ni Robredo sa 2022 presidential election.
Samantala, sinabi ng kampo ni VP Leni na nakausap na nila ang Metromart na kanselahin ang orders at ibabalik nila ang items.
Hiniling din nila na huwag patawan ng anumang charges ang mga rider na nag-deliver ng goods.
Idinagdag pa ni Gutierrez na nakuha nila ang mobile number na ginamit sa pag-order, at pinag-uusapan na nila ang gagawing legal actions.
Nakatanggap naman ang mga rider ng token mula kay Robredo bilang kompensasyon sa mga oras na nawala sa kanila habang inaayos ang bogus transaction. (Infinite Radio Calbayog)