40,000 doses ng COVID-19 vaccine inilaan para sa booster shot sa Maynila ngayong araw

40,000 doses ng COVID-19 vaccine inilaan para sa booster shot sa Maynila ngayong araw

Naglaan ang pamahalaang lungsod ng Maynila ng mahigit 40,000 doses ng COVID-19 vaccine ngayong araw para sa booster shot.

Sa anim na district hospitals sa lungsod, naglaan ng tig-1,000 doses ng COVID-19 vaccine.

Ito ay para sa booster shot ng mga nasa A1 at A2 Priority Groups.

May inilaan ding tig-1,000 doses sa anim na district hospitals para din sa booster shot ng mga A3 na mayroong specific comorbidities.

Sa labingwalong paaralan sa anim na distrito sa lungsod, 18,000 doses ng COVID-19 vaccine ang inilaan para sa booster shot ng mga nasa A1 at A2 Priority Groups.

Habang mayroon ding tig-1,000 doses ng COVID-19 vaccine ang nakalaan para sa booster shot ng mga A3 na mayroong specific comorbidities.

Tatagal hanggang alas 4:00 ng hapon ang pagbibigay ng booster shot sa lungsod. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *