Apat na miyembro ng SAF na nasugatan sa engkwentro sa Northern Samar binigyang-parangal

Apat na miyembro ng SAF na nasugatan sa engkwentro sa Northern Samar binigyang-parangal

Binigyan ng parangal ni Philippine National Police Chief, Police General Dionardo Carlos ang apat na miyembro ng Special Action Force personnel na nasugatan sa engkwentro sa Gamay, Northern Samar.

Mula sa Bicol Region dumeretso si Carlos sa Eastern Visayas Regional Medical Center sa Tacloban City para gawaran ng Medalya ng Sugatang Magiting ang mga nasugatang pulis bilang pagkilala sa kanilang katapangan at sakripisyo.

Binigyan din ni Carlos ng tig-P100,000 na cash assistance ang bawat isa sa mga nasagutang SAF troopers.

Samantala, binisita din ni Carlos ang mga labi ng dalawang pulis na nasawi sa naturang engkwentro. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *