Tarragona, Davao Oriental niyanig ng magnitude 4.8 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang lalawigan ng Davao Oriental.
Naitala ng Phivolcs ang pagyanig sa layong 47 kilometers southeast ng bayan ng Tarragona 6:41 ng umaga ng Linggo, Nov. 21.
May lalim na 69 kilometers ang pagyanig at tectonic ang origin.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity III – Tarragona, Davao Oriental
Intensity II – City of Digos, Davao del Sur
Intensity I – Governor Generoso, Davao Oriental
Ayon sa Phivolcs hindi naman nagdulot ng pinsala ang lindol. (DDC)