DOH nakapagtala lamang ng 1,485 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala lamang ng 1,485 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes, Nov. 19 ay 2,823,21 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,753,312 ang gumaling o katumbas ng 97.5 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 1,393 na gumaling.
23,200 naman ang active cases o katumbas ng 0.8 percent.
Nasa 46,698 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.65 percent makaraang makapagtala ng 277 pang pumanaw. (DDC)