Publiko pinayuhang mahigpit na sundin ang health protocols sa paglahok sa public assemblies
Pinaalalahanan ng Philippine National Police ang publiko na istrikto pa ding sundin ang minimum public health standards.
Kasunod ito ng insidente ng mass action na ginanap sa Quezon City kung saan ang aktor na si Pen Medina ay nakitang walang suot na face mask.
Pinagsabihan naman si Medina ng pulis na nakatalaga sa lugar at pinaalalahanan na kailangan pa din niyang magsuot ng face mask.
Sa ilalim ng panuntunan ng IATF pinapayagan lamang ang mga LGU na alisin ang requirement sa pagsusuot ng face shields sa mga lugr na nasa alert levels 1, 2 at 3.
Gayunman, patuloy ang pagpapatupad ng pagsusuot ng face mask at pagpapairal ng physical distancing.
Sinabi ni PNP chief, Police General Dionardo Carlos na sinumang lalabag sa panuntunan ay maaring mapanagot sa ilalim ng ordinasa na pinaiiral ng mga LGU. (DDC)