800,000 edad 12 hanggang 17 nabakunahan na kontra COVID-19

800,000 edad 12 hanggang 17 nabakunahan na kontra COVID-19

Mahigit 800,000 menor de edad na ang nabakunahan kontra COVID-19 ayon sa datos mula sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Health Secretary Maria Rosario Vergeire, sa nagpapatuloy na pagbabakuna sa mga edad 12 hanggang 17, nakapagtala lamang ng 0.10 percent na nakaranas ng adverse reaction.

Karaniwang naranasang reaction ay mild lamang, pansamantala at mga inaasahang epekto ng bakuna.

Gaya na dito ang pananakit sa vaccine site, pagkahilo, may ilan na sumakit ang ulo, at may ilan na nagkaroon ng mild allergic reactions.

Naging matagumpay din ayon kay Vergeire ang mga unang araw ng pediatric vaccination ng pamahalaan.

Kasabay nito hinimok ng DOH ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak na edad 12 hanggang 17 para mabigyan sila ng proteksyon laban sa COVID-19. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *