3.6 billion na katao sa iba’t ibang panig ng mundo, walang access sa maayos na palikuran
Ginugunita ngayong araw, November 19 ang “World Toilet Day”.
Ayon sa Philippine Red Cross (PRC), mayroon pang 3.6 billion katao sa iba’t ibang panig ng mundo ang namumuhay nang walang access sa maayos na palikuran.
Kasabay ng paggunita ng “World Toilet Day 2021”, hinimok ng Red Cross ang bawat isa na makiisa sa kampanya upang maitaas ang kaalaman hinggil sa maayos na pag-manage ng sanitation sa mga palikuran.
Ayon sa Red Cross ang mga public toilet ay dapat mayroong taong taga-manage 24/7 para masiguro na lagi itong ligtas at malinis.
Nakalulungkot ayon sa Red Cross na may mga lugar pa sa mundo ang hindi napopondohan ang pagkakaroon ng maayos na palikuran sa mga komunidad.
Kasabay nito tiniyak ng Red Cross ang suporta sa mga maituturing na “most vulnerable” sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa proper sanitation sa tulong ng Water, Sanitation and Hygiene (WASH) Unit nito. (DDC)