DOH nangangailangan ng volunteers para sa idaraos na National COVID-19 Vaccination Days
Nangangailangan ng volunteers ang Department of Health (DOH) para sa ikakasang National COVID-19 Vaccination Days sa November 29, 20 at December 1, 2021.
Layunin ng idaraos na “Bayanihan, Bakunahan” na mas bilisan pa ang pagbabakuna sa mga indibidwal na hindi pa nakatatanggap ng first dose ng kanilang COVID-19 vaccine.
Ayon sa DOH, marami nang suplay ng mga bakuna sa bansa.
Dahil dito, nananawagan ang DOH ng volunteers para sa sumusunod na mga posisyon:
– Health screener
– Vaccinator
– Post-vaccination monitors
– Health educators
– Registration Personnel
– Encoder
– Data consolidator o tallier
Para magpa-rehistro bisitahin lamang ang link na http://tinyurl.com/3fxytrjm o i-scan lang ang QR code sa http://bit.ly/BayanihanBakunahanVolunteers.
Ang mga volunteers ay sasailalim sa orientation via Zoom na pangungunahan National Vaccination Operations Center (NVOC), Regional Vaccination Operations Center (RVOC) o ng Local Vaccination Operations Center (LVOC). (DDC)