Budget deliberations ng Senado suspendido ngayong araw matapos magpositibo sa COVID-19 si Sec. Lorenzana
Nagpasya ang liderato ng Senado na supindihin ang budget deliberations ngayong araw na ito matapos makumpirmang positibo sa COVID 19 si Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Si Lorenzana ay personal na nagtungo sa Senado noong Martes para sa pagdipensa sa kanilang proposed 2022 budget.
Ayon kay Senate Majority Leader Migz Zubiri, magpapatuloy ngayong araw na ito ang pag sasanitize at disinfection sa buong gusali.
Ang lahat naman ng taong nakasalamuha ng kalihim kasama ang mga senador ay isasailalim sa rt pcr test at quarantine.
Sinabi ni Zubiri na limang araw ang quarantine ng mga naexpose sa kalihim at saka sila sasalang sa test ngayong weekend.
Samantala, nanawagan si Senate President Tito Sotto sa Department of Health at InterAgency Task Force na reviewhin ang kanilang quarantine protocols sa mga nagmumula sa mga non green country.
Si Lorenzana ay bumisita sa Poland noong Nov 6 hanggang 13 na nang mga panahon na yun ay kasama pa sa green list ng bansa kung saan dapat sumailalim sa 14 na araw na quarantine ang mga traveler sa sandaling dumating sa bansa.
Sinabi ni Sotto na kahit ano pa ang katungkulan ng isang indibidwal na nagmula sa mga bansang hindi kasama sa green light ay dapat sumailalim sa quarantine.
Muling ipagpapatuloy ang budget deliberations sa Lunes at naapektuhan sa schedule ang DTI, DSWD at DepEd. (Dang Garcia)