97-meter multi-role response vessel ng Coast Guard inilunsad na sa Japan

97-meter multi-role response vessel ng Coast Guard inilunsad na sa Japan

Nailunsad na sa Japan ang ikalawang two 97-meter multi-role response vessels (MMRVs) na binili ng Department of Transportation (DOTr) para sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa ilalim ito ng Maritime Safety Capability Improvement Project Phase II (MSCIP Phase 2) ng DOTr.

Ang launching sa nasabing barko ay isinagawa sa Shimonoseki Shipyard ng Mitsubishi Shipbuilding Co. Ltd. sa Japan Huwebes, (Nov. 18) ng umaga.

Ang dalawang MRRVs ang magiging largest vessels ng PCG sa sandaling makarating na ang mga ito sa bansa.

Ang modelo ng MRRV ay inihalintulad sa Japan Coast Guard (JCG) Kunigami-class vessels.

Bawat MRRV ay mayroong sukat na 97 meters, may maximum speed na hindi bababa sa 24 knots, at endurance na hindi bababa sa 4,000 nautical miles.

Maliban sa pagsasagawa ng maritime patrols sa maritime jurisdictions ng bansa kabilang ang West Philippine Sea at Philippine Rise, gagamitin din ang dalawang barko para mapalakas ang kakayahan ng PCG sa pagsasagawa ng maritime search and rescue, maritime law enforcement, at humanitarian assistance and disaster response operations.

Ang unang 97-meter MRRV ay nailunsad din sa Japan noong July 26, 2021. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *