Malakanyang itinangging nangangampanya si Sec. Vince Dizon kay Manila Mayor Isko Moreno
Itinanggi ng Palasyo ng Malakanyang na nangangampanya si Presidential Adviser for COVID-19 response Secretary Vinze Dizon para kay Manila Mayor Isko Moreno.
Ayon kay Cabinet Secretary at acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles, walang katotohanan sa mga ulat na kasapi si Dizon sa campaign team ni Moreno o sinumang presidential aspirant.
Sinabi ni Nograles na nananatiling miyembro ng gabinete ng Duterte Administration bilang Presidential Adviser for COVID-19 response si Dizon.
Ani Nograles nakatutok ngayon si Dizon sa nagpapatuloy na vaccination program kontra COVID-19. (DDC)