Contact sports gaya ng basketball pinapayagan na sa San Juan City

Contact sports gaya ng basketball pinapayagan na sa San Juan City

Puwede na ulit ang contact sports gaya ng basketball sa lungsod ng San Juan.

Sa ilalim ng Executive order No. FMZ-097, pinapayagan na ang mga indoor at outdoor contact sports gaya ng basketball para sa mga bakunadong indibidwal na may edad 12 pataas.

Kailangan lamang sundin ang sumusunod na alituntunin:

– Fully vaccinated individuals lamang mula 12 taong gulang pataas ang puwedeng sumali o manood onsite.

– Maaari lamang magtanggal ng mask ang mga players habang sila ay naglalaro.

– Ang mga manonood ay kailangang nakasuot ng mask sa lahat ng oras at sumunod sa minimum public health standards.

– Venue capacity
a. Outdoor venues: 70% venue capacity
b. Indoor venues: 50% venue capacity

– Kailangan i-check ng mga organizers ang vaccination cards ng mga papasok ng venue, maglagay ng temperature check, at siguraduhing may contact tracing form.

– Kailangang kumuha ng permit ang mga organizer o venue operators sa Office of the Mayor.

– Kailangang ideklara ng mga operator o organizers ang nature ng sports, bilang ng players, at haba ng paglalaro bago makakuha ng permit.

– Kailangang siguruhin ng barangay na nakakasakop na sumusunod sa minimum public health standards ang mga kabahagi ng unorganized contact sports. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *