DOH inilabas na ang rekomendasyon para sa kombinasyon ng booster dose ng COVID-19 vaccine
Naglabas na ng guidelines ang National Vaccination Operations Center (NVOC) para sa pormal na pagsisimula ng pagbibigay ng booster shots ng COVID-19 vaccine sa mga healthcare workers.
Ayon sa DOH, puwedeng ibigay ang “homologous dose” o pag-administer ng COVID-19 vaccine na parehong brand ng bakunang ginamit sa kanilang primary series.
O ‘di kaya ay maari ding ibigay ang “heterologous dose” o pag-administer ng COVID-19 vaccine na iba ang brand sa bakunang ginamit sa kanilang primary series.
Narito ang mga brand ng bakuna na maaring tanggapin para sa booster shots:
SINOVAC (first and second dose)
– Sinovac, Astrazeneca, Pfizer, Moderna
ASTRAZENECA (first and second dose)
– Astrazeneca, Pfizer, Moderna
PFIZER (first and second dose)
– Pfizer, Astrazeneca, Moderna
MODERNA (first and second dose)
– Modera, Astrazeneca, Pfizer,
GAMALEYA SPUTNIK (first and second dose)
– Astrazeneca, Pfizer, Moderna
Janssen
– Astrazeneca, Pfizer, Moderna
Maaring ibigay ang booster shots para sa mga tumanggap ng Sinovac, Astrazeneca, Pfizer, Moderna, at Gamaleya Sputnik, anim na buwan matapos nilang makumpleto ang kanilang second dose.
Habang tatlong buwan naman para sa mga tumanggap ng Janssen.
Kabilang sa mga maari nang tumanggap ng booster shots ay ang mga nasa Priority Group A1.1 to A1.7. (DDC)