Naranasang problema sa Passport Appointment Booking, nireresolba na ng DFA

Naranasang problema sa Passport Appointment Booking, nireresolba na ng DFA

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tinutugunan na ang mga naranasang problema sa Passport Appointment Booking.

Marami sa mga aplikante ang hindi nakatanggap ng confirmation emails kahit natapos sila sa proseso ng online appointment booking at ang iba ay nakapagbayad na.

Ayon sa DFA, sisikapin ng kanilang Office of Consular Affairs na agad maipadala ang application packets sa lahat ng mayroong passport appointments ngayong linggo.

Para naman sa mga may schedule sa susunod na linggo, pinayuhan silang maghintay ng dalawang araw bago matanggap ang confirmation emails.

Ayon sa DFA, nagkakaroon kasi ng congestion sa kanilang sistema.

Ang delay sa transmission ng confirmation emails ay dahil sa overloading ng services bunsod ng late remittance ng payments na ginawa sa pamamagitan ng over-the-counter payment mode.

Pinayuhan ang mga aplikante na palagiang tingnan ang kanilang inbox, spam o junk folders sa emails.

Pwede ring mag-follow up sa oca.concerns@dfa.gov.ph. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *