Budget cut sa Philippine Science HS at DOST ikinabahala ng ilang senador
Nabahala sina Senadora Imee Marcos at Senate Minority Leader Franklin Drilon sa panukalang bawasan ang proposed budget sa Philippine Science High School at Food and Nutrition Research Institute.
Sa hybrid marathon session sa panukalang budget ng Department of Science and Technology, pinuna ni Marcos ang P87 milyong tapyas sa PSHS budget at ang P321 milyong cut sa budget ng FNRI.
Sinabi ni Marcos na hindi maganda ang panahon ng tapyas s budget dahil nataon ito sa panahon na nahaharap ang bansa sa problema sa supply chain at logistics at banta sa national food security.
Inirekomenda ni Marcos na muling pag-aralan ang panukalang budget at ibalik ang tinapyas na pondo.
Kinuwestyon naman ni Drilon ang pagbabawas sa DOST budget ng P1.12 bilyon mula sa P24.916 bilyon ngayong 2021 sa P23.793 bilyon sa susunod na taon.
Nangako naman si Senador Joel Villanueva na muling bubusisiin ang budget cut. (Dang Garcia)