Malaking bahagi ng bansa uulanin dahil sa LPA

Malaking bahagi ng bansa uulanin dahil sa LPA

Makararanas ng pag-ulan sa maraming lugar sa bansa ngayong araw dahil sa binabantayang Low Pressure Area (LPA) ng PAGASA.

Ang LPA ay huling namataan sa layong 335 kilometers East Southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Nakapaloob ito sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) na nakaaapekto sa Palawan, Visayas, at Mindanao.

Habang apektado naman ng Tail-end of Frontal System ang Southern Luzon.

Sa weather forecast ng PAGASA ngayong araw, Nov. 16 ang buong Visayas, buong Mindanao at ang Palawan ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa LPA.

Maulap na papawirin din na may pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan Valley, Bicol Region, Aurora at Quezon dahil sa Shear Line at Northeast Monsoon.

Habang sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon, bahagyang maulap na papawirin na may isolated na mahihinang pag-ulan ang mararanasan. (DDC) 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *