Pagsusuot ng face shield sa MRT-3 hindi na mandatory
Simula ngayong araw hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield sa mga tren ng MRT-3.
Sa inilabas na abiso ng DOTr MRT-3, pwede nang walang suot na face shield ang mga pasahero kasunod ng bagong panuntunan na inilabas ng Malakanyang para sa mga lugar na nasa Alert Leve 1, 2 at 3.
Mahigpit pa rin namang ipatutupad ang pagsusuot ng face mask, at iba pang health and safety protocols sa loob ng tren, gaya ng bawal magsalita, bawal kumain, bawal uminom, at bawal makipag-usap sa telepono.
Nasa 70% ang passenger capacity ng mga tren na may katumbas na 276 pasahero kada bagon o 827 pasahero kada train set.
Upang mapanatili sa wastong kapasidad ang mga tren at matiyak na nasusunod ang mga health and safety protocols sa buong linya, patuloy ring pamamahalaan ng train at platform marshal ang kaayusan at kaligtasan sa mga tren at istasyon.
Samantala nagpalabas din ng parehong abiso ang LRTA, para sa LRT-2.
Ayon sa LRTA, hindi na mandatory ang pagsusuot ng face shield sa mga tren ng LRT-2. (DDC)