Pagbibigay ng booster shot ng COVID-19 vaccine sa mga healthcare worker sisimulan na

Pagbibigay ng booster shot ng COVID-19 vaccine sa mga healthcare worker sisimulan na

Makatatanggap na ng booster shot ng COVID-19 vaccine ang mga fully-vaccinated na healthcare worker.

Ayon sa Department of Health (DOH), sa Miyerkules (Nov. 17) ay sisimulan na ang pagbibigay ng booster doses sa mga healthcare worker.

Base sa Emergency Use Authorization (EUA) na inaprubahan ng FDA, inirekomenda ng DOH na gamitin ang Moderna, Pfizer at Sinovac sa pagbibigay ng booster doses.

Ito ay kahit ano pang brand ng bakuna na ginamit sa kanilang primary series.

Nakatakdang magpalabas ng guidelines ang National Vaccine Operations Center (NVOC) sa gagawing pagbibigay ng booster shot. (DDC)

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *