Pagsusuot ng face shield hindi na mandatory sa mga lugar na nasa Alert Level 1, 2 at 3
Binago na ng pamahalaan ang panuntunan sa pagpagpapasuot ng face shield.
Sa inilabas na memorandum ng Malakanyang na pirmado ni Executive Secretary Salvador Medialdea, boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face shield sa mga lugar na nasa Alert Level 1, 2 at 3.
Sa mga lugar naman na nakasailalim sa Alert Level 4, ang lokal na pamahalaan at mga pribadong establisyimento ay may diskresyon para iutos ang pagpapasuot ng face shield.
Habang sa mga lugar na nakasailalim sa Alert Level 5 at umiiral ang granular lockdown, mandatory pa rin ang pagsusuot ng face shield. (DDC)