Pinal na, Pangulong Duterte tatakbong senador sa 2022 elections

Pinal na, Pangulong Duterte tatakbong senador sa 2022 elections

Matapos ang ilang ulit na pagbabago-bago ng desisyon at pahayag, senador na ang tatakbuhang posisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022 elections.

Sa pamamagitan ng abogado na si Atty. Melchor Aranas, inihain ang kandidatura ni Pangulong Duterte sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS).

Nagsilbing substitute candidate ang pangulo kay Mona Liza Visorde ng PDDS na nag-withdraw ng kaniyang kandidatura.

Ang paghahain ng pangulo ay ginawa huling araw ng filing ng substitution para sa mga kandidato.

Magugunitang una nang sinabi ni Pangulong Duterte na tatakbo siyang bise presidente sa 2022 elections.

Pero nang maghain ng kandidatura si Senator Bong Go para tumakbong bise presidente ay sinabi ng pangulo na magreretiro na siya sa pulitika.

Gayunman, muli itong nabago noong maghain ng kandidatura si Go para tumakbong pangulo ng bansa.

Ayon sa pangulo, tatakbo siyang bise presidente kaya marami ang nabigla dahil magiging magkalaban sila ng anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Pero ngayong naihain na ang kandidatura ng pangulo, pinal nang pagka-senador ang tatakbuhan nito. (DDC)

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *