DOH nakapagtala lamang ng mahigit 1,500 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala lamang ng mahigit 1,500 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Lunes, Nov. 15 ay 2,818,511 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 1,547 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,745,777 ang gumaling o katumbas ng 97.4 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 1,547 na gumaling.
27,025 naman ang active cases o katumbas ng 1 percent.
Nasa 45,709 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.62 percent makaraang makapagtala ng 128 pang pumanaw. (DDC)