LRTA administrator Reynaldo Berroya pumanaw sa edad na 72

LRTA administrator Reynaldo Berroya pumanaw sa edad na 72

Pumanaw na ang administrator ng Light Rail Transport Authority (LRTA) na si Retired Gen. Reynaldo Berroya.

Kinumpirma ito sa Facebook post ni Department of Transportation (DOTr) Sec. Arthur Tugate.

Nagpaabot si Tugade ng pakikiramay sa pamilya ni Berroya.

Ayon kay Tugade, nagpakita ng exceptional leadership si Berroya sa panahon ng kaniyang pamumuno sa LRTA.

Bilang LRTA Administrator, malaki aniya ang naging papel ni Berroya sa pagpapabuti ng imahe ng transport system ng bansa partikular sa railways sector.

“I will always remember Gen. Rey as the officer who commanded with authority, but also with irreverence, wit and humor just to lighten and brighten the issue at hand. At his very core is the essential trait of discipline which enabled him to lead with distinction” ani Tugade.

Hindi naman binanggit ni Tugade kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ni Berroya.

Si Berroya ay itinalaga bilang LRTA administrator noong 2017. Nagsilbi din siyang general manager sa MRT-3 at undersecretary ng DOTr. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *