LOOK: Makalipas ang mahigit dalawang taon; ilang mag-aaral muling nakapasok sa paaralan

LOOK: Makalipas ang mahigit dalawang taon; ilang mag-aaral muling nakapasok sa paaralan

Pormal nang nagsimula ngayong araw, November 15 ang pilot implementation para sa limited face-to-face classes sa mga piling paaralan sa bansa.

Sa Laserna Integrated School sa bayan ng Nabas, Aklan sinalubong ng mga guro ang mga estudyante na nagbalik-paraalan.

Ito ay makalipas ang mahigit dalawang taon na hindi sila nakakapunta ng eskwelahan dahil sa pagpapairal ng blended learning bunsod ng pandemya ng COVID-19.

Naging maingat naman ang mga guro at iba pang school staff sa nasabing paaralan sa pagpapatupad ng unang araw ng face-to-face classes.

Ang mga mga guro, mag-aaral, at iba pang opisyal sa washing area, temperature checking, at triage area upang masiguro ang kaligtasan ng lahat ng nasa paaralan.

Ayon sa Department of Education (DepEd), 100 paaralan sa buong bansa ang lumahok sa pilot implementation ng face-to-face classes. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *