Twitter account ng Office of Civil Defense napasok ng hacker
Inatake ng hackers ang official Twitter account ng Office of Civil Defense (OCD).
Linggo ng madaling araw ay nag-post ng tweet tungkol sa currency trading sa Twitter account na @civildefensePH.
Ang nasabing post ay naka-reply sa offcial Twitter accounts ng SpaceX at ng entrepreneur na si Elon Musk.
Sa inilabas na pahayag sa Facebook kinumpirma ng OCD na na-hack nga ang kanilang Twitter.
Ginagawan na umano ng paraan ng kanilang team upang maayos ang problema. (DDC)