DOH nakapagtala lamang ng mahigit 1,900 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala lamang ng mahigit 1,900 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Linggo, Nov. 12 ay 2,816,980 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 1,926 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,743,297 ang gumaling o katumbas ng 97.4 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 1,421 na gumaling.
28,102 naman ang active cases o katumbas ng 1 percent.
Nasa 45,581 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.62 percent makaraang makapagtala ng 309 pang pumanaw. (DDC)