Davao City Mayor Sara Duterte nagsalita na hinggil sa pagtakbo niya sa national elections
Nagpasya si Davao City Mayor Sara Duterte na tumakbo bilang bise presidente sa 2022 elections dahil sa panawagan ng kaniyang mga tagasuporta.
Sa kaniyang video na binahagi sa Facebook, sinabi ni Mayor Sara na ang pagkakataon na makatakbo bilang bise presidente ay para matugunan ang mga panawagan at para makapaglingkod siya sa publiko.
Sinabi ng alkalde na nagpatuloy kasi ang suporta at mga panawagan sa kabila ng paulit-ulit niyang pahayag na hindi siya tatakbong presidente at nais niyang tapusin ang ikatlong termino sa Davao City bilang mayor.
“After the deadline, the offer to run for Vice President became an opportunity to meet you halfway. It’s a path that would allow me to heed your call to serve our country, and would make me a stronger person and public servant in the years that lie ahead,” ayon kay Mayor Sara Duterte.
Apela naman ni Mayor Sara sa mga tagasuporta na manatiling kalmado.
Anuman aniya ang problema ng PDP Laban ay hayaan na lamang itong resolbahin ang kanilang isyu.
Sinabi ni Mayor Sara na ang kailangang tutukan ngayon ay ang recovery ng bansa sa COVID-19 pandemic. (DDC)