DOH nakapagtala lamang ng mahigit 1,800 na bagong kaso ng COVID-19
Nakapagtala lamang ng mahigit 1,800 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon sa datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes, Nov. 12 ay 2,813,115 na ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa magdamag, umabot sa 1,894 ang dagdag na mga kaso.
Sa kabuuang bilang ng COVID-19 cases, 2,738,975 ang gumaling o katumbas ng 97.4 percent makaraang makapagtala pa ng dagdag na 1,421 na gumaling.
29,105 naman ang active cases o katumbas ng 1 percent.
Nasa 45,035 ang kabuuang death toll sa bansa o 1.60 percent makaraang makapagtala ng 170 pang pumanaw. (DDC)