“All set” na para sa limitadong face-to-face classes simula sa November 15 – DepEd

“All set” na para sa limitadong face-to-face classes simula sa November 15 – DepEd

Handa na ang Department of Education (DepEd) para sa pilot implementation ng limited face-to-face classes simula sa November 15 sa 100 public schools sa bansa.

Ayon kay DepEd Secretary Leonor Magtolis Briones, maliban sa 100 public schools, mayroon ding 20 pribadong paaralan ang lalahok sa pilot testing,

Ang mga batang lalahok sa limited face-to-face classes ay dapat mayroong written consent ng kanilang magulang ayon sa DepEd.

Batay sa datos ng DepEd, mayroong 10 participating schools mula sa Ilocos Region, 10 mula sa Central Luzon, 5 mula sa CALABARZON, at 9 mula sa Bicol Region.

Mayroon namang 3 public schools na lalahok mula sa Western Visayas, 8 mula sa Central Visayas, at 10 sa Eastern Visayas.

Ang Zamboanga Peninsula ay mayroon ding 8 public schools, 10 mula sa Northern Mindanao, 8 mula sa Davao Region, 5 mula sa SOCCSKSARGEN, at 14 mula sa CARAGA.

Sinabi ni Briones na si DepEd Undersecretary at Chief of Staff Nepomuceno Malaluan ang personal na nangangasiwa sa preparasyon ng mga paaralan.

Nagsagawa aniya ng inspeksyon sa mga napiling paaralan para masigurong handa ang pasilidad, mayroong polisiya para sa social distancing, mayroong tubig at gamot, at malapit sa health stations. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *