Bagong commissioner sa Comelec itinalaga ni Pangulong Duterte

Bagong commissioner sa Comelec itinalaga ni Pangulong Duterte

May bago nang commissioner ang Commission on Elections (Comelec) sa katauhan ni Rey Echavarria Bulay.

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bulay sa poll body at ang termino nito ay hanggang sa February 2, 2027.

Ayon kay Comelec Chairman Sheriff Abas mahalaga ang pagkakaroon ng bagong Comelec commissioner ngayong nasa kasagsagan ang poll body ng paghahanda sa 2022 national and local elections.

Sinabi ni Abas na ang karanasan ni Bulay bilang abogado, dating chief prosecutor at dating commissioner ng Presidential Commission on Good Government ay may malaking kontribusyon sa poll body.

Partikular anya sa hangarin ng Comelec na makapagdaos ng tapat, maayos at payapang eleksyon. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *