Metro Mayors nagpalabas ng polisiya sa pagsasagawa ng Christmas Bazaars at tiangge

Metro Mayors nagpalabas ng polisiya sa pagsasagawa ng Christmas Bazaars at tiangge

Dahil sa inaasahang dagsa ng mga mamimili sa Christmas Season nagpalabas ng polisiya ang Metro Manila Council sa pagsasagawa ng Christmas Bazaars, tiangge at pop-up stores.

Sa resolusyon na nilagdaan ng lahat ng mga alkalde sa Metro Manila, para maiwasan ang paghahawaan ng sakit na COVID-19, ang mga traders, salespersons, exhibitors, organizers at iba pang personnel ng mga tiangge at bazaar ay dapat fully-vaccinated.

Ipatutupad ito bilang unified standards at guidelines sa mga isasagawang tiangge at bazaar sa Metro Manila.

Nakasaad sa resolusyon na dahil sa papalapit na Christmas season ay inaasahan ang mga tradisyunal na bazaar at tiangge dahil marami ang mga mamimili. (DDC)

 

 

 

 

 

 

 

newsflashph

newsflashph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *